
Di ko alam kung paano ko sisimulan. Of course, hindi naman ako yung masurprise na tao (alam mo yan!) And if there’s one thing I’m sure of, may possibility na di mo to mabasa — pero hopefully mabasa mo :) Mehe. Anyway…
I’ve been thinking of a surprise, and kaso wala naman akong pera and alam mo naman na sobrang busy ko recently — so naisip ko na lang na i-surprise ka by doing something I’m good at — or better yet, you know na lagi kong ginagawa.
Ayun… unang una, maraming salamat for being the best mom in the world. Hindi na ako hihiling pa ng iba kasi nakuha ko na yung best! Maraming salamat kasi lagi kang nandiyan para sa akin. Kahit sobrang batugan ko, hindi ka nagsasawang pagalitan ako everyday, ok lang kasi at the end of the day alam ko mahal mo ako at mahal din naman kita. =)) Thank you for being so supportive. Alam mong marami akong gustong gawin sa buhay and lagi kang andiyan para tulungan ako. Although lagi mo rin ako napapagalitan… alam ko namang para din sa ikabubuti ko yun. :D
Parang bestfriend na rin kita diba! Haha. Alam na alam mo na yung buong buhay ko — and sabi mo nga sa akin dati nung sinabi ko yan sayo — dapat lang kasi nanay kita. Which is true din naman. :) Yun na yung pinakabonding time natin eh. Actually bukod sa pagkain, sa pag-uusap talaga tayo nagkakasundo. Kilala mo na halos LAHAT ng kaibigan ko. HAHA. Siguro part na din yun kung bakit anlaki ng tiwala niyo sa akin. Maraming salamat dun, Ma. Maraming salamat sa lahat! I love you po.
Words will never be enough para masabi ko lahat ng nais kong sabihin. Hindi man ako yung perpektong anak, I promise I’m good enough! :D I love you and Happy Mother’s Day! :D